Changeflow GovPing Executive Orders Illinois Executive Order 2026-02: Youth Service...
Routine Rule Amended Final

Illinois Executive Order 2026-02: Youth Services Program Transfer

Favicon for www.illinois.gov IL Governor Executive Orders
Published February 25th, 2026
Detected February 28th, 2026
Email

Summary

Illinois Governor JB Pritzker issued Executive Order 2026-02, transferring the Comprehensive Community-Based Youth Services (CCBYS) program from the Department of Human Services (IDHS) to the Department of Children and Family Services (DCFS). This aims to consolidate services, reduce administrative duplication, and enhance coordination with state and federal initiatives.

What changed

Executive Order 2026-02, issued by Illinois Governor JB Pritzker on February 25, 2026, mandates the transfer of the Comprehensive Community-Based Youth Services (CCBYS) program from the Illinois Department of Human Services (IDHS) to the Illinois Department of Children and Family Services (DCFS). The CCBYS program serves youth aged 11-17 who are at risk of entering the child welfare or juvenile justice systems, focusing on family preservation, reunification, and prevention. The order cites the need to consolidate overlapping youth service functions, reduce administrative duplication between IDHS and DCFS, and better align with the Family First Prevention Services Act.

This reorganization is expected to streamline service delivery for at-risk youth and their families, improve coordination with existing DCFS community-based support portfolios, and allow for better utilization of evidence-based interventions. Regulated entities, specifically state government agencies involved in youth services, will need to adapt to the new administrative structure and reporting lines as the program transitions. The order itself does not impose direct compliance obligations on external entities but signifies a structural change within state government operations affecting service provision and oversight.

What to do next

  1. Review the implications of the CCBYS program transfer on inter-agency agreements and service coordination.
  2. Update internal documentation and operational procedures if directly interacting with the CCBYS program or its funding streams.
  3. Monitor DCFS guidance for any procedural changes related to the integrated youth services.

Source document (simplified)

Pebrero 25, 2026 Kautusang Tagapagpaganap 2026-02 KAUTUSANG TAG APAGPAGANAP 2026 -02 KAUTUSANG TAG APAGPAGANAP PARA ILIPAT A NG KOMPREHENSI BONG PROGRAMA NG MGA SERBISYONG PANGKABATAAN N A NAKABATAY S A KOMUNIDAD MUL A SA ILLIN OIS DEPARTMENT OF HUMAN SERVI CES PATUNGO SA ILLI NOIS DEPA RTMENT OF CH ILDREN AND FAMI LY SERVICES SAPAGKAT, ang Kompre hensibong Programa ng mga Serbisyong Pangkabataan na Nakabatay sa Komunidad [Comprehensive Community-Based Youth Services Program, “CCBYS”] ay kasalukuyang pinangangasiwaan ng Illinois Department of Human Services (“IDHS”); at, SAPAGKAT, ang CCBYS ay naglilingkod sa mga kabataang may edad 11-17 taong gulang na nanganganib na masangkot sa mga sistema ng pangkagalingan ng bata [child welfare] at/o katarungang pangkabataan [juvenile justice] na may mga pinakapangunahing layunin na 1) preserbasyon, muling pagbubuklod, at/o pagpapatatag ng pamilya, at 2) prebensyon ng pagpasok ng mga kabataan sa mga sistema ng pangkagalingan ng bata at/o katarungang pangkabataan; at, SAPAGKAT, ang CCBYS ay nag-aal ok ng tuluy-tuloy na daloy ng mga serbisyo sa mga kabataang ito, at sa kanilang mga pamilya kung naaangkop, tulad ng interbensyon sa krisis, pagpapatatag ng pamilya, at pansamantalang mga emerhensiyang paglalagay [emergency placement] sa mga kaso ng alitan sa pamilya o kawalan ng tirahan; at, SAPAGKAT, ang CCBYS ay kasalukuyang nagpopondo ng 28 grant ee at 11 sub- recipient, sa buong estado, at taunang naglilingkod sa humigit-kumulang 6,500 kabataan; at, SAPAGKAT, ang CCBYS ay gumagast os ng humigit-kumulang $40 milyon taun- taon at umaasa sa mga nakalaang posisyon na kasalukuyang nasa loob ng IDHS upang pamahalaan ang programa; at, SAPAGKAT, ang pagt utok ng CCBYS sa prebensyon at paglihis ay likas na umaangkop sa lumalawak na portpolyo ng mga suportang nakabatay sa komunidad ng Illinois Department of Children and Family Services (“DCFS”) na naglalayong patatagin ang mga pamilya at iwasan ang pagpasok sa pangangalaga ng Estado ng Illinois; at, SAPAGKAT, ang pagl ilipat ng CCBYS mula sa IDHS patungo sa DCFS ay pag-iisahin ang magkakapatong na mga tungkulin sa paglilingkod sa kabataan sa loob ng ilang magkakaparehong ahensya ng tagapagbigay-serbisyo, babawasan ang dobleng gawaing administratibo sa pagitan ng IDHS at DCFS, at palalakasin ang koordinasyon sa mga inisyatibo ng DCFS sa ila lim ng Family F irst Preven tion Servic es Act (“F amily First ”); at, SAPAGKAT, ang pagsasama ng mga serbisyo para sa inter bensyon sa krisis, pagpa patatag, at preserbasyon ng pamily a sa DCFS ay magbibiga y -daan sa Estado na gamitin ang mga interbensyong nakabatay sa ebidensya na inaprubahan sa ilalim ng Family First (tulad ng

Motivational Interviewing), palawakin ang akses sa mga maagang suporta, at bumuo ng mas maayos na tuluy -tuloy na daloy ng pangangalaga; at, SAPAGKAT, ang pagl alagak ng CCBYS sa loob ng pangkagalingan ng bata na mga sistema ng datos ng DCFS ay magbibigay- daan sa mas matibay na pagsubaybay sa mga resul ta para sa mga kabataang nalilihis mula sa mas malalim na pagk akasangkot sa sistema; at, SAPAGKAT, ang pagl ilipat ng CCBYS mula sa IDHS patungo sa DCFS ay magpapabuti sa akses sa pangangalaga para sa mga kabataan, at magbib igay - daan sa mga kaw ani na maging mas mabilis tumugon sa mga pangangailangan ng mga residente ng Illinois; at, SAPAGKAT, ang Arti kulo V, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng Illinois ay nagbibigay- kapangyarihan sa Gobernador na muling ayusin o muling italaga ang mga tungkulin sa mga ahensyang ehekutibo na direktang may pananagutan sa kanya sa pamamagitan ng kautusang tagapagpaganap; at, SAPAGKAT, ang Seksyon 3.2 ng Execut ive Reorganization Implementation Act, 15 ILCS 15/3.2(1), ay nagsasaad na kabilang sa “Reorganisasyon” ang “paglilipat ng kabuuan o anumang bahagi ng anumang ahensya, o ng kabuuan o anumang bahagi ng mga tungkulin nito, sa hurisdiksyon at kontrol ng anumang ibang ahensya”; NGAYON, SAMAKAT UWID, ako, si JB Pritzker, Gobernador ng Estado ng Illinois, alinsunod sa kapangyarihang ehekutibo na ipinagkaloob sa akin ng Artikulo V, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng Illinois, ay nag-uutos ng mga sumusunod: I. PAGLILIPAT NG MGA TUNGKULI N Mula sa ika -1 ng Hulyo, 2026, o sa lalong madaling panahon pagkatapos nito kung kailan ito maisasakatuparan, ang lahat ng kapangyarihan, tungkulin, karapatan, at responsibilidad na may kaugnayan sa CCBYS ay ililipat mula sa IDHS patungo sa DCFS. Ang m ga a yon- sa -batas na kapangyarihan, tungkulin, karapatan, at responsibilidad ng CCBYS ay nagmumula sa Children and Family Services Act (20 ILCS 505/17 at 17a) at Artikulo 3 ng Illinois Juvenile Court Act ng 1987 (705 ILCS 405/3 et seq.), gayundin ang mga regulasyong ipinatupad sa ilalim nito, kabilang, ngunit hindi limitado sa: a. 89 Ill. Adm. Code § 310.10; b. 89 Ill. Adm. Code § 334. II. EPEKTO NG PAGLI LIPAT a. Ang mga kapangyarihan, tungkulin, karapatan, at responsibilidad na may kaugnayan sa CCBYS ay ililipat mula sa IDHS patungo sa DCFS at magkakaroon ng katulad na legal na epekto na tila isinagawa ng IDHS. b. Ang mga titulo ng katungkulan at posisyon ng mga kawani ng IDHS na responsable sa gawaing may kaugnayan sa CCBYS ay ililipat sa DCFS. Ang katayuan at mga karapatan ng mga posisyong iyon at ng sinumang empleyadong inilipat alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap na ito ay hindi maaapektuhan ng paglilipat. c. Ang lahat ng mga aklat, rekord, papeles, dokumento, ari- arian (real a t personal), at mga kontrata na nauukol sa mga kapangyarihan, tungkulin, karapatan, at responsibilidad na may kaugnayan sa CCBYS, kabilang ngunit hindi limitado sa mga materyal sa e lektro nikong pormat at kinakailangang co mputer hardware at software, ay ililipat mu la sa IDHS p atungo sa DCF S. d. Ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay hindi makakaapekto sa legalidad ng anumang naturang mga tuntunin ng IDHS na nauukol sa CCBYS sa Illinois Administrative Code. Ang anumang mga tuntunin, regulasyon, at iba pang aksyon ng IDHS para sa CCBYS ay ip atutupa d at magpapatuloy bilang mga tuntunin, regulasyon, at aksyon ng DCFS. Ang DCFS ay magsusulat, mag-aamyenda o magbabago ng anumang mga tuntunin, regulasyon, o iba pang mga aksyon, kung kinakailangan, upang maisakatuparan ang reorganisasyon.

e. Ang anumang kontraktwal, ayon- sa -batas o iba pang obligasyon ng DHS na may kaugnayan sa programang CCBYS ay ililipat at gagampanan ng DCFS. Aamyendahan o babaguhin ng DCFS ang anumang kontraktwal, ayon- sa - batas o iba pang obligasyon, kung kinakailangan, upang maisakatuparan ang reorganisasyon. f. Aamyendahan o babaguhin ng DCFS ang anumang mga tuntunin, regulasyon, o iba pang aksyon, kung kinakailangan, patungkol sa anumang mga iminungkahing tuntunin na inihain ng IDHS sa Kalihim ng Estado na nakabinbin sa proseso ng paggawa ng tuntunin sa petsa ng pagkakabisa ng Kautusang Tagapagpaganap na ito at nauukol sa mga tungkuling inilipat upang maisakatuparan ang reorganisasyon. g. Patatakbuhin ng IDHS ang CCBYS hanggang sa Taong Pananalapi (FY) 2026 kung ang CCBYS ay hindi maililipat sa DCFS nang mas maaga. Para sa FY27, isasama sa kahilingan sa badyet ng DCFS ang mga paglalaan ng pondo ng General Revenue para sa pagpapatakbo ng programang CCBYS. Ang kahilingan sa badyet ng IDHS para sa FY27 ay hindi magpapakita ng anumang paglalaan ng pondo ng General Revenue para sa pagpapatakbo ng programang CCBYS. h. Ang bawat tao o entidad na may kontrata o gawad mula sa IDHS na may kaugnayan sa CCBYS ay patuloy na magkakaroon ng parehong mga karapatan, kapangyarihan, tungkulin, obligasyon at responsibilidad gaya ng nakasaad sa kontrata o gawad, kabilang ang anumang mga parusa, sibil o kriminal, na magmumula rito. i. Tuwing ang mga ulat o notisya ay kailangan na ngayong gawin o ibigay o ang mga papeles o dokumento ay isumite o ihatid ng sinumang tao sa CCBYS kaugnay ng alinman sa mga tungkuling inilipat ng Kautusang Tagapagpaganap na ito, ang mga iyon ay gagawin, ibibigay, isusumite, o ihahatid sa parehong paraan sa CCBYS bil ang bahagi ng DCFS. j. Ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay hindi makakaapekto sa anumang batas na ginawa, pinagtibay, o kinansela, o anumang karapatang umuusbong o naitatag, o anumang aksyon o paglilitis na isinagawa o sinimulan sa isang administratibo, sibil, o krim inal na u sapin patungkol sa CCBY S bago magkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap na ito; ang mga naturang aksyon o paglilitis ay maaaring ipagtanggol, usigin, at ipagpatuloy ng DCFS. III. PANGLIGTAS NA S UGNAY Ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay hindi sumasalungat at hindi dapat ipakahulugan na sumasalungat sa anumang mga kontrata, kasunduan, o mga kolektibong kasunduan sa pakikipagkasundo. IV. MGA NAUNANG KA UTUSANG TAG APAGPAGANAP Ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay humahalili sa anumang salungat na probisyon ng alinmang iba pang naunang Kautusang Tagapagpaganap. V. PAGKAKAHIW ALAY Kung ang anumang probisyon ng Kautusang Tagapagpaganap na ito o ang aplikasyon nito sa sinumang tao o kalagayan ay ipawalang-bisa ng anumang hukuman na may kaukulang hurisdiksyon, ang kawalang-bisa na ito ay hindi nakakaapekto sa anumang iba pang probisyon o aplikasyon ng Kautusang Tagapagpaganap na ito na maaaring bigyan ng bisa nang wala ang pinawalang-bisang probisyon o aplikasyon. Upang makamit ang layuning ito, ang mga probisyon ng Kautusang Tagapagpaganap na ito ay idinedeklarang maaaring paghiwalayin. VI. PAGHAHAIN AT P AGHAHATID

Ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay ihahain sa Kalihim ng Estado. Ang kopya ng Kautusang Tagapagpaganap na ito ay ihahatid sa Kalihim ng Senado at sa Klerk ng Kapulungan ng mga Kinatawan at, para sa layunin ng paghahanda ng pang- rebisang lehislasyon, sa Legislative R eference Bureau. VII. PETSA NG PAG KAKABISA Sa kondisyon na walang alinmang kapulungan ng Pangkalahatang Asembleya ang tumututol sa Kautusang Tagapagpaganap na ito sa pamamagitan ng rekord na boto ng mayorya ng mga miyembrong nahalal, ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay magkakabisa animnapung (60) araw matapos itong maiha tid sa Pangkalahatang Asembleya. _____________________ JB Pritzker Gobernador Inilabas ng Gobernador: Pebrero 25, 2026 Inihain sa Kalihim ng Estado: Pebrero 25, 2026

Source

Analysis generated by AI. Source diff and links are from the original.

Classification

Agency
Various Federal Agencies
Published
February 25th, 2026
Instrument
Rule
Legal weight
Binding
Stage
Final
Change scope
Substantive

Who this affects

Applies to
Government agencies
Geographic scope
State (Illinois)

Taxonomy

Primary area
Government Contracting
Operational domain
Legal
Topics
Child Welfare Youth Services

Get Executive Orders alerts

Weekly digest. AI-summarized, no noise.

Free. Unsubscribe anytime.

Get alerts for this source

We'll email you when IL Governor Executive Orders publishes new changes.

Free. Unsubscribe anytime.